Posts

Showing posts from February, 2021

Salamin at iba pang panglaw ni Almayrah Tiburon: Suring basa ni Jonaira M. Angni

Image
 Ang aklat na Salamin at iba pang panglaw ay naglalaman ng mga sari-saring kwento na talaga namang masasabi kong kapupulutan ng aral, dahil bukod sa sumasalamin ito sa kulturang Meranaw o lipunang kinabibilangan ng mga pangunahing tauha'y makikita mo rin ang reyalidad.  Ito ang unang pagkakataon na nakabasa ako ng libro na isang Meranaw ang may-akda, karamihan kasi sa mga librong nabasa ko ay likha ni Lualhati Bautista, Eros Atalia, Bob Ong, atbp. Masasabi kong napakagaling ng may-akda ng aklat na ito. Si Bb. Almayrah Tiburon ang awtor ng aklat ay ipinanganak sa lungsod ng Marawi, at bunso sa limang magkakapatid. Imahe kuha mula sa Google Layunin ng may-akda na ipakilala ang tribong Meranaw sa Pilipinas sa pamamagitan ng panitikan kung kayat isinulat niya ang aklat na ito, dahil sila ay may iba't ibang pananaw na naaayon sa kanilang kultura at pinaniniwalaan. Isa-isahin natin ang mga ilan sa mga kulturang Meranaw na nakapaloob na ating